Call Us : +41 22 738 18 48

Pangingitim (Hyperpigmentation) Pagkatapos ng Pamamaga

Ano ang pangingitim (hyperpigmentation) pagkatapos ng pamamaga?

  • Ito ay pag-iiba ng kulay na naiiwan sa balat pagkatapos gumaling ang kalakip na sakit sa balat.
  • Ang kalakip na sakit sa balat ay maaaring trauma, impeksiyon sa balat, eksema (dermatitis) o reaksyon sa gamot.
  • Sa taong may madilim na balat, ang kulay ay mas matingkad at nagpapatuloy sa loob ng mas matagal na panahon.
  • Ang pangingitim ay mabagal mawala habang lumilipas ang panahon

Hyperpigmentation Post-inflammatoire (Après un eczéma)

Pangingitim (Hyperpigmentation) pagkatapos ng pamamaga (pagkatapos ng dermatitis)

 

 

Paano ginagamot ang pangingitim (hyperpigmentation) pagkatapos ng pamamaga?

  • Karaniwan, ang normal na kulay ng balat ay bumabalik ng dahan-dahan sa loob ng ilang mga buwan.
  • Dapat iwasan ang karagdagang trauma sa lugar na ito, halimbawa ang pagkuskos at pagkakalantad sa sikat ng araw.
  • Ang mga pampaputi sa balat tulad ng mga produktong naglalaman ng hydroquinone ay maaaring gamitin sa pangingitim o hyperpigmentation. Gayunpaman, ang mga produktong ito ay mahina lamang ang epekto kesa sa kung pabayaan na walang gamot. Ang mga kremang naglalaman ng mga sangkap ng bitamina A ay hindi inirerekomenda dahil nagdudulot ang mga ito ng pamamaga at nagpapalala ng problema.

 

 

Source of information: here